NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng P2.76 milyon para sa allowance ng mga benepisyaryo ng Navotas Scholarship Program beneficiaries.
Umabot sa 334 academic, art, athletic at fisherfolk scholars ang nakataggap ng 3-6 buwang halaga ng allowance.
Ang mga estudyanteng may merit scholarship ay nakakuha ng P15,600; Navotas Polytechnic College, P3,900; high school, P4,950; at mga guro, P3,000 para sa buwan ng Enero hanggang Marso.
Samantala, nakatanggap ang art scholars ng P9,900; athletic, P11,400; at fisherfolk, P4,950, para sa stipend nila mula Enero hanggang Hunyo.
“Isang malaking hamon ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa panahon ng pandemya. Nagpapasalamat tayo na handa tayo rito; mayroon tayong NavoSchool-in-a-box at modified modular distance learning. Hangad natin na ang allowance na natanggap ng ating mga iskolar ay magagamit nila para matustusan anuman ang kakailanganin nila sa pasukan,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Pinalawig ng Department of Education ang enrolment hanggang July 15. Hinihikayat natin ang ating mga estudyante na mag-enrol. Siguruhin natin na magpapatuloy ang edukasyon ng ating mga kabataan sa kabila ng COVID-19,” dagdag niya.
Inilunsad ng pamahalaang lungsod ang NavotaAs Scholarship Program noong 2011. Noong una ay mga estudyante na magaling sa academics at mga gurong nais pang mag-aral ang kasama sa programa.
Noong 2016, binuksan ito para sa mga estudyante na sumasali at nananalo sa mga sports competitions. Noong 2017, nilakip na sa scholarship ang mga estudyante na magaling sa visual arts, music, dancing, theatre arts, at creative writing o journalism. Makalipas ang isang taon, nadagdag naman sa programa ang mga anak o kamag-anak ng mga Top Ten Outstanding Fisherfolk.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO