December 25, 2024

NAVOTAS NAKAPAGTALA NG ZERO COVID-19 CASE SA ISANG ARAW

WALANG napaulat ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes na karagdagang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) makalipas ang tatlong buwan mahigpit na pagsisikap na putulin ang local transmission chain.



Nakapagtala din ang Navotas mataas na rate ng recoveries. Hanggang May 30, 95.7% ng 10,353 na total cases sa lungsod ang nakarekober.

Ang lungsod ay na-tagged bilang isang “high-risk area” noong February nitong taon.

Iniugnay ni Mayor Toby Tiangco ang pagbagsak ng mga kaso sa mahigpit na pagpapatupad kaugnay sa mga ordenansa at patakaran, kabilang ang quarantine band system, mandatory swabbing sa mga nahuli na violators ng safety protocol, community quarantine guidelines at regulated socio-economic activities.

“The initiatives that we implemented to further combat the spread of the virus and lessen the probability of transmission have only been effective because it was done with the help and cooperation of all stakeholders in the community,” aniya.

“The ongoing vaccination program also played a big part in our efforts to reduce the numbers of active cases. This is why we highly encourage those who are aged 18 and above to register and participate in the NavoBakuna COVID-19 vaccination program,” dagdag niya.

Ang Navotas ay may pitong vaccination sites na nagsilbi sa 2,898 na mga naka-iskedyul at walk-in vaccinees noong May 24, 2021.


Ang mga miyembro ng pamilya ng mga frontliner sa ilalim ng A1 priority group at overseas Filipino workers na umalis sa bansa sa loob ng apat na buwan ay hinihikayat na pumunta sa walk-in vaccination sites ng lungsod.
Hanggang May 28, 33,553 na mga residente ng lungsod at mga trabahador ang nakatanggap ng kanilang unang jabs. 9,443 individuals ang nakakumpleto na ng kanilang dalawang doses ng bakuna. Sa bilang na ito, 809 ay mga frontliners, 3,564 senior citizens, at 5,070 ang persons with comorbidities.