ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nakapagtala ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon.
May tatlo na lamang natitirang COVID patients ang Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports.
Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagtataguyod sa paglaban kontra COVID-19.
“Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your booster doses,” paalala nila.
Huling iniulat ng Navotas na ang huling may tatlong aktibong kaso ay noong nakaraang December 18, 2021. “Now that the Department of Health has confirmed the local transmission of the more contagious Omicron sub-variant, we must be more cautious and work harder to limit its possible spread and prevent any more surges,” ani Tiangco Brothers.
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA