December 25, 2024

NAVOTAS NAITALA ANG PINAKAMABABANG ACTIVE CASES

Natanggap na ng ilang sa 300 Navoteños na edad 12 hanggang 17-anyos na mayroon o walang comorbidity ang kanilang COVID-19 vaccine na ginanap sa Navotas City Hospital. JUVY LUCERO)

NAKAPAGTALA ang Lungsod ng Navotas ng bagong record na may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.

Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record  noong Pebrero 6 na may 33 kaso.

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from COVID,” dagdag niya.

“Ang importante po ay wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba na nang todo ang mga kaso at di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” sabi pa niya.

Hinikayat din ni Tiangco ang mga Navoteño na magpabakuna laban sa COVID-19.

“We have started our vaccination for 12-17 years old, with or without comorbidity. We have allocated 300 slots per day. Parents or guardian, who have yet to get their vaccine, may accompany their child and have themselves vaccinated, too. However, they need another adult to assist them in case they experience side effects,” aniya.

Nagbukas ang Navotas ng tatlong site para sa pediatric vaccination. Kailangang magtakda ang magpapabakuna ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/ at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site. (JUVY LUCERO)