Naitala ng Navotas ang pinakamalaking pagbaba ng porsyento sa mga bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) bawat araw sa lahat ng mga local government unit sa Metro Manila.
Nagrehistro ang Navotas ng -76% pagbaba ng average daily attak rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa tuktok ng 137, ang daily cases ng lungsod ay bumulusok sa 33.
Ang mga statistics na inilabas ng OCTA Research Group ay batay sa 7-araw na average mula Abril 25 hanggang Mayo 1 kumpara sa pinakamataas na 7-araw na average ng mga LGU.
“We attribute this milestone to the hard work of all our frontliners as well as the aggressive contact tracing, testing, isolation, treatment and monitoring of our patients–from the time they become close contacts to the time we receive their test results or they complete their isolation period,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Also, fewer Navoteños have contracted COVID-19 since we implemented the quarantine-band system and penalized health protocol violations with RT-PCR swab test. This goes to that adherence to safety protocols plays a crucial part in bringing down the number of our COVID cases. We should continue to be careful and vigilant so all of our sacrifices will not go to waste,” dagdag niya.
Ayon sa OCTA Research Group, ang ADAR na higit sa 10 ay itinuturing pa ring mataas.
Kailangang bawasan ito ng mga NCR LGUs na mas mababa sa 10 porsyento sa loob ng susunod na dalawang linggo upang ilipat ang rehiyon sa moderate risk classification.
Nagtala ang Navotas ng 1,456 na mga aktibong kaso noong Abril 5, ang pinakamataas na bilang para sa taong ito. Noong Mayo 2, naitala ng lungsod ang 428 mga aktibong kaso, 331 ang namatay, at 9,752 ang narekober. (JUVY LUCERO
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE