November 2, 2024

NAVOTAS NAGTAYO NG KARAGDAGAN CLASSROOMS

Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga konsehal ng lungsod ang isinagawang groundbreaking ceremony ng Daanghari Elementary School (DES) na may apat na palapag na gusali at walong classrooms. (JUVY LUCERO)

MAGTATAYO ng mas maraming classrooms ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng isinagawang groundbreaking ng karagdagang mga public school buildings sa lungsod.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang Navotas National High School (NNHS) at Daanghari Elementary School (DES) ay malapit nang magkaroon ng bagong apat na palapag na school building na may walong silid-aralan.

Habang ang Tangos Elementery School 1 (TES 1) naman ay magkakaroon din ng apat na palapag na school building na may 12 silid-aralan.

“Nine more school buildings are up for construction this year. We hope for the timely completion of these projects so we could accommodate more students and avoid shifting classes,” ani Tiangco.

Noong nakaraang Marso, pinasinayaan ng Navotas ang 11 public school building na may kabuuang 128 classrooms.