January 26, 2025

Navotas nagtakda ng mga bagong patakaran sa Restos

NAGTAKDA ng mga bagong patakaran ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga commercial food establishments sa lungsod.

Pinayagan na sa lungsod ng Navotas ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.

Sa ilalim ng Executive Order No. 044,  pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at labas ng lungsod, at makapagsilbi ng take-out at drive-thru services only sa mga authorized persons outside of residence (APOR).

Sakop din ng order ang mga kainan sa loob ng grocery stores at supermarkets na mayroong delivery services.

Gayunpaman, ang dine-in na lagpas sa curfew hours ay ipanagbabawal, at ang mga hindi APOR ay bawal ding bumili ng pagkaing take-out o drive-thru mula 8PM-5AM.

“There is still demand for food services during curfew hours from those who work at night. These include doctors, nurses, other health personnel, ambulance drivers, call center agents, security guards and workers at Navotas Fish Port Complex,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.

Kinakailangang mahigpit na ipatupad ng mga food establishments ang social distancing at iba pang safety protocols, at kailangan ding magsagawa ng masusi at regular na sanitation at disinfection.