Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang inoculation sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We are finally able to start the immunization of children against COVID-19. They are now offered the same protection like us adults. They will now have the same privileges that only vaccinated individuals enjoy. And soon, going back to school and attending physical classes will be a reality,” ani Mayor Toby Tiangco.
Hinimok ni Tiangco ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak sa COVID vaccination sa https://tinyurl.com/NavoBakuna-minors. Maari din nilang bisitahin ang mga vaccination centers para onsite registration.
Makakatanggap ang mga magpapabakuna ng isang text message kapag sila ay nakaiskedyul para sa pagbabakuna. Dapat kasama nila ang kanilang mga magulang o guardians sa vaccination sites na may dalang medical certificate mula sa pediatrician, at mga kinakailangan dokumento na nagtatatag ng kaugnayan ng vaccinees at kasama nilang adults.
Priority ang mga batang may co-morbidities dahil may mas mataas silang malubhang panganib o kritikal impeksyon at maaring mamatay mula sa COVID-19.
Hanggang October 21, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 307,944 doses ng COVID-19 vaccines sa mga adult na residente at workers. Sa bilang na ito, 160,112 ang nakatanggap ng kanilang first shot, habang 147,832 nakakumpleto na ng kanilang doses.
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest