Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nagpasa ng tatlong ordinansa na nagpapataw ng mahigpit na safety measures upang makatulong na mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases.
Ang City Ordinance No. 2021-19 ay magpapataw ng multang P5,000 sa mga lalabag sa 10PM–5AM curfew hours, mandatory na pagsuot ng facemask, at 24-hour curfew para sa mga minors at hindi makakapagpakita ng tamang valid government identification (ID) cards.
Ipinasa ang ordinansa kasunod ng mga ulat na may mga pasaway na nagbibigay ng huwad na impormasyon sa mga barangay enforcers kaya’t hindi sila mailista para sumailalim sa libreng mandatory COVID-19 swab test na iniutos ng pamahalaang lungsod bilang parusa sa mga lalabag sa safety protocols .
Ang City Ordinance No. 2021-20 naman ay nag-uutos na maglagay ng mga transparent plastic o acetate barrier para sa driver at sa pagitan ng mga hanay ng upuan ng public utility jeepney (PUJ) at pagpapanatili ng maayos nitong kondisyon.
Kung masira ang inilagay na barriers ay dapat palitan at dapat nasa 50% lang ang sasakay na mga pasahero o kalahati ng kapasidad ng sasakyan maliban sa driver at conductor.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 sa unang offense, P750 ikalawa, at P1,000 para sa pangatlo at sumunod na pagkakasala kung saan sakop ng ordinansa ang mga operators at drivers ng PUJs na dumadaan sa lungsod.
Samantala, ang City Ordinance No. 2021-21 amended Section 6 ng City Ordinance No. 2020-40 o ang “Wear Your Face Shield Ordinance of Navotas City.”
Nakasaad dito na ang mahuhuling walang suot na face shield habang gumagamit ng pampublikong transportasyon, nasa lugar ng trabaho, palengke at iba pang enclosed na pampublikong lugar o establisimiyento sa lungsod ay bibigyan ng kaukulang parusa.
Sa unang paglabag, dapat sumailalim sa madatory RT-PCR test na iiskedyul sa loob ng isang linggo mula sa oras ng pagkakahuli at sa discretion ng City Health Office.
Ang magkasala sa pangalawang pagkakataon ay pagmumultahin ng P500 o 16 oras na community service sa ilalim ng pangangasiwa ng anumang tanggapan ng gobyerno ng lungsod, kung mahuli sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang unang paglabag. Kung lumipas ang 14 na araw, sasailalim sila sa isa pang free mandatory swab testing.
Kung ang RT-PCR test ay hindi magagamit, ang parusa ay P500 multa o 16 oras na community service. Kung ang mga lumabag ay minor, ang kanilang magulang o guardian ang sasailalim sa swab test o magbayad ng multa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY