December 24, 2024

NAVOTAS NAGPADALA NG AYUDA SA MABINI, BATANGAS

Nagpadala ng 100 sako ng bigas tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco sa Mabini, Batangas na sinalanta din ng magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly and Ulysses bilang tugon sa panawagan ni Mabini Municipal Administrator, Atty. Gerville R. Luistro. (JUVY LUCERO)

Nagpaabot ng tulong ang Lungsod ng Navotas sa iba pang local government unit na hinagupit din ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbigay ng 100 sako ng 50-kilong bigas sa Mabini, Batangas.

Ang relief operation ay ginawa matapos humingi ng tulong sa Navotas ang Mabini Municipal Administrator na si Atty. Gerville R. Luistro. 

“Though our city is still grappling with the effects of the pandemic, we still fare better compared to others. For this, we are thankful and we want to help those in need as much as we can,” ani Mayor Toby Tiangco.

Tinatayang nasa 100,000 ang papulasyon ng Mabini, Batangas.

Nuana rito, nagpadala rin ang Navotas ng mga food packs na naglalaman ng bigas, canned goods, instant coffee, instant noodles, at bottled water; mats at blankets, at iba pang mga gamit sa Cagayan.

Tumulong din ang city’s Disaster Risk Reduction and Management Office sa rescue at relief operations sa naturang probinsya at sa Marikina City.