November 24, 2024

NAVOTAS NAGBIGAY NG TAX REFUND


Makaraang palawigin nang dalawang beses ang mga deadline para sa pagbabayad ng mga local taxes, nagbigay ng refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nakakuha ng mga penalties para sa late na pagbabayad.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 granting tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng mga patong na singil, parusa at interes sa lahat ng mga local taxes at bayarin na dapat bayaran mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa bisa ng ordinance.

“Most of our constituents are still reeling from the economic impact of the COVID-19 pandemic. We want to ease their burden and help them in every possible way,” pahayag ni Tiangco.

Ang mga taxpayers na may tax refund ay maaaring makipag-ugnay sa City Treasurer’s Office sa ika-2 palapag ng Navotas City Hall.

Ang City Ordinance 2020-45 ay alinsunod sa Department of Finance Circular No. 003-2020, na nagsasaad na ang pagbabayad ng lahat ng mga local taxes, mga bayarin at charges na nahulog sa o pagkatapos ng Setyembre 14, 2020 ay dapat pahabain hanggang Disyembre 19, 2020 nang walang interes, singil o parusa.

Nauna rito, ipinasa ng Navotas ang City Ordinance Nos. 2020-25 at 2020-35 na ipinagpaliban ang pagbabayad ng buwis sa real estate, business tax, at transfer tax.