Namahagi ang Pamahalaang Lokal ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.
Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang nakatanggap ng one-time financial assistance.
“Ang aming barangay health workers ay nanguna rin sa aming paglaban sa COVID-19, na ipagsapalaran ang kanilang buhay habang pinangangalagaan kami. Nais naming kilalanin ang kanilang mga sakripisyo at ipakita ang aming pasasalamat sa kanilang walang pag-iimbot na serbisyo sa Navoteños,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Ang cash incentive na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo,” dagdag ni Tiangco. (JUVY LUCERO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna