December 26, 2024

NAVOTAS NAGBIGAY NG DAGDAG SOCIAL SERVICES

NAKAPAGBIGAY ang Navotas City ng iba’t ibang serbisyo at programang panlipunan sa mahigit 11,000 Navoteño sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Mayor John Rey Tiangco.

Sa bilang na ito, 3,321 indibidwal ang nakatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangang medikal.

May 4,424 namang nakatatanda ang nakakuha ng kanilang P500 NavoRegalo birthday cash gift habang 224 na rehistradong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng Saya ALL, Angat ALL program.

Nagbigay din ang lungsod ng tulong pinansyal sa 1,933 benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod dito, 1,775 pamilya ang nakatanggap ng buong halaga ng ikalawang tranche ng kanilang Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

Nagbigay din ang Navotas ng burial assistance sa 1,022 benepisyaryo, habang 46 na mga namatay na residente ang nakinabang sa Libreng Libing program.

“We want to provide Navoteños with utmost care from womb to tomb,” ani Mayor Tiangco.

“Our goal is to ensure that every citizen receives the best services that our city government can deliver,” dagdag niya.