ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary.
Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June 26-27, 2024.
Ang mga graduates sa Navotas Polytechnic College ay nakatanggap din ng P1,500 matapos ang kanilang graduation ceremony ngayon taon.
Ang pamamahagi ng mga insentibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na hikayatin at suportahan ang mga mag-aaral sa kanilang academic journeys.
Sa pamamagitan ng pamimigay ng tulong pinansyal, layunin ng lungsod na mabawasan ang pasanin sa mga pamilya at matiyak na ang mga mag-aaral ay makapag-pukos sa kanilang pag-aaral nang walang karagdagang stress sa pera.
“These incentives are a testament to our commitment to nurturing your potential. By investing in your education, we are laying the foundation for a brighter future for Navotas,” sabi ni Mayor John Rey Tiangco sa mga estudyante.
“The world is full of opportunities. Don’t be afraid to dream big and high. Dream for your future. Keep studying, asking questions, and learning. Completing your education is just the beginning of many more steps towards success. We at Navotas government are always here to support you,” dagdag niya.
Nagsimula ang Navotas sa pamimigay ng cash incentives sa mga pampublikong elementarya, senior high at tertiary school graduate ng lungsod noong 2019 sa bisa ng City Ordinance 2019-03.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng Navotas na isulong ang edukasyon at magbigay ng patuloy na suporta sa mga mag-aaral nito, na tinitiyak na sila ay nilagyan ng mga kasanayan at pag-iisip na kailangan upang umunlad sa kanilang piniling mga pagsisikap.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA