December 24, 2024

NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

Nakatanggap ang nasa 208 miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.

Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.

“Mula noong unang araw ng pandemya, ang aming mga barangay health workers na ipinagsapalaran ang kanilang buhay upang mapanatili tayong malusog at ligtas. Napakahalaga sa paglaban natin sa COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Ang cash assistance na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo. Inaasahan din naming gagawing mas maganda ang kanilang Pasko,” dagdag niya.

Nauna rito, ang Navotas ay nagsimula na din mamahagi ng Christmas hams sa lahat ng mga residente. Sa 89,650 target family-beneficiaries, 22,738 na ang nakatanggap ng kanilang “Pamaskong Handog” mula sa pamahalaang lungsod hanggang December 18.