NAGAMIT na lahat ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang allocation ng Oxford-AstraZeneca Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,586 vials ng AstraZeneca mula sa national government’s March at May vaccine distribution. Ang bawat vial, depende sa manufacturer ay maaaring maglabas ng siyam hanggang 10 buong dosis.
Hanggang May 25, 14,285 na mga residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap ng kanilang unang jabs ng AstraZeneca. 596 sa mga ito aymga frontliners, 3,237 senior citizens, at 10,452 ang persons with comorbidities.
Samantala, 154 frontliners na ang nakakumpleto ng dalawang doses ng kaparehong bakuna.
“We have used up all AstraZeneca vaccines allotted for first doses. The remaining stock is reserved for second doses and will be utilized in the coming weeks,” Mayor Toby Tiangco said.
“In Navotas, there is no reason to fear that vaccines will go to waste. We value each drop because we know how important these vaccines are to the health and safety of our citizens. This is also the reason we are aggressive in our efforts to vaccinate our people at the soonest,” dagdag niya. May pitong vaccination sites na binuksan ang Navotas. Ang mga Navoteños at nagtatrabaho sa lungsod na parte ng A2 at A3 categories ay maaaring mag avail ng vaccine`s sa pamamagitan ng ibinigay na iskedyul ng lungsod, walk-in o self-set appointment.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE