Nag-alok ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ng drive-thru installation ng Easytrip RFID stickers sa November 24, 9:00 AM hanggang 5:00 PM, sa Navotas Bus Terminal.
500 stickers para sa Class 1 vehicles at 25 bawat isa para sa Classes 2 at 3 para sa first come, first serve.
Ang Easytrip RFID ay pinapayagan sa cashless at contactless toll transaction para sa mga motorist na dumadaan sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX at C5 Link Expressway. Ang RFID system ay ipinapatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
“A number of our constituents are in a rush to get RFID stickers for their vehicles, especially since the full implementation of the contactless system has been set to start on December 1. We are thankful to the MPTC for bringing the Easytrip application close to Navoteños,” ani Mayor Toby Tiangco.
“We urge those who often use our expressways to avail of the drive-thru RFID installation. By supporting the RFID-enabled toll system, we also help keep our people safe from COVID-19,” dagdag niya.
Ang mga iteresado ay dapat mag-download at punan ang Easytrip Subscription Form saka ipasa pareho sa Easytrip personnel sa venue. Ang mga aplikante sa Class 1 vehicles ay kailangan magbayad ng P500 para sa initial load.
Sa kabilang banda, ang mga driver ng Classes 2 at 3 vehicles ay kailangan mag-secure ng P1,000 initial load. Kailangan din nilang i- attach ang photocopy ng official receipt/certificate of registration (ORCR) ng kanilang sasakyan at authorization letter mula sa may-ari.
Para makuha ang serbisyo ng drive-thru at matiyak ang kaligtasan ng mga aplikante, ang southbound lane ng C4 at R10 – mula sa Navotas Bus Terminal hanggang sa Old Fishport Road – ay isasara sa nabanggit na petsa mula 8 a.m hanggang 6 p.m.
Pinayuhan ang mga aplikante na magsuot ng face mask at manatili sa loob ng kanilang sasakyan habang pinuproseso ang RFID installation at magdala ng tamang halaga para sa load payment, at gumamit ng sariling panulat.
Ang mga hindi palagi dumaan sa mga expressway ay maaaring mag-install ng kanilang mga RFID stickers sa araw ng kanilang pagbiyahe para mabigyan ng daana ng madalas gumagamit nito.
“We are also working to bring the Autosweep RFID sticker installation in Navotas. Please follow our official social media pages and wait for our announcement,” pahayag ni Tiangco.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE