November 23, 2024

Navotas muling tumulong sa Cagayan

Nagpadala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Miyerkules ng isa na namang balsada ng donasyon sa mga bitkima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley.

 “We have spent most of this year’s budget for our COVID-19 response.  However, we are still fortunate to have the capacity to send some assistance to other local government units in dire need of help,” ani Mayor Toby Tiangco.

Nagpadala ang Navotas ng 500 food packs sa John Wesley College na nagsilbing pansamantalang kanlungan ng mga apektadong residente ng Tuguegarao City. Bawat food pack ay may lamang limang kilong bigas, 13 piraso ng sar-saring de-lata, at limang sachet ng kape.

 “A part of the additional aid we sent to Cagayan came from donations that compassionate individuals and companies have given to Navotas. We are thankful to them but since we did not suffer any grave damage, we are extending their help to those who need it most,” ani Tiangco.

Nagpadala rin ang pamahalaang lungsod ng pagkain sa Office of Civil Defense Region 2. Kabilagn dito ang 100 25-kilo sako ng bigas; 30 50-kilo sako ng bigas; 200 kahon ng corned beef at beef loaf; 28 kahon at 139 piraso ng sari-saring de-lata; 400 sardinas; at 30 kahon ng instant noodles.

Ipinamahagi rin ang 10 kahon ng de-boteng tubig; 50 piraso ng 1-litrong de-boteng tubig; 300 piraso ng ng 6-litrong distilled water; 108 pakete ng  kape; 108 sabong pampaligo; 24 sabong panlaba; 48 sachets ng toothpaste; at 63 sipilyo.

Bago ito ay tumulong na sa rescue at relief operations ang Navotas sa binahang probinsya sa pamamagitan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office nito. Nagdala rin ang rescue team ng 50 food packs na may lamang limang kilong bigas, 13 piraso ng sari-saring de-lata, limang sachet ng kape, 150 banig at 150 kumot.