NAKAMIT muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang panibagong citation para sa good governance at exemplary service.
Ang Navotas ay kabilang sa pitong local government units sa Pilipinas na tumanggap ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, ang parangal mula kina Secretary Ernesto Perez at Undersecretary Gerald Divinagracia sa pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng ARTA sa The Manila Hotel.
“This recognition is the outcome of the collaborative efforts of all city government offices. We especially commend our electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS) and Information and Communications Technology Office staff for continuously developing our digital system and simplifying all processes for Navoteño taxpayers,” ani Tiangco.
“This award validates all our hard work and challenges us to do more to improve the lives of our constituents,” dagdag niya.
Pinuri ang Navotas sa buong pagsunod nito sa Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018 partikular sa pagpapatupad ng eBOSS.
Sa pamamagitan ng pasilidad ng eBOSS ng lungsod, ang mga Navoteñong negosyante ay maaaring mag-apply, mag-renew, at magbayad para sa kanilang mga permit sa loob ng kanilang sariling mga opisina.
Bukod sa pag-iisyu ng electronic version, ang hard copy ng permit ay inihahatid din sa kani-kanilang address sa pamamagitan ng in-house courier.
Nagbibigay din ang eBOSS system ng lungsod ng mga update sa pamamagitan ng mga text message upang matulungan ang mga business owner at entrepreneurs na subaybayan ang kanilang mga transaksyon.
Noong nakaraang Marso, nakatanggap din ang Navotas ng sertipikasyon mula sa ARTA para sa pagiging isa sa anim na LGU sa Metro Manila na may mahusay, sistematiko, at fully-operational na eBOSS.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA