June 28, 2024

NAVOTAS MULING NAKAMIT ANG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

Masayang tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang ulat ng Commission on Audit (COA) mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit matapos muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa COA sa ika-siyam na magkakasunod na taon kung saan binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng lungsod sa financial transparency and accountability. (JUVY LUCERO)

MULING nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa ika-siyam na magkakasunod na taon, na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng lungsod sa financial transparency and accountability.

Natanggap ni Mayor John Rey Tiangco nitong Lunes ang ulat ng COA mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit.

Ang Navotas ay nakakuha ng “unmodified opinion” mula noong 2016, ang tanging lokal na pamahalaan sa Metro Manila na may ganoong record.

“Receiving an unmodified opinion from COA for nine consecutive years is a testament to the dedication and integrity of the entire Navotas City Government. It reflects our steadfast commitment to fiscal responsibility and transparency in serving the people of Navotas,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkilalang ito sa pagbuo ng tiwala sa publiko at pagtiyak ng mga kasanayan sa mabuting pamamahala sa lahat ng antas ng pangangasiwa ng lungsod.

Samantala, nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod sa kanilang pagsusumikap at tunay na pangangalaga sa mga Navoteño.

We applaud the collective efforts of our dedicated department heads and employees. Their diligence ensures that every cent of our constituents’ money is accounted for and utilized effectively for their benefit,” ani Tiangco.

“We also extend our heartfelt appreciation to our fellow Navoteños for their continued support and trust in our administration,” dagdag niya.

Ang unmodified opinion ay nagpapahiwatig na ang Navotas ay patuloy na naglalahad ng kanyang financial position, financial performance, at cash flows sa isang patas at tumpak na paraan, na nakakatugon sa mahigpit na mga kinakailangan na itinakda ng COA at ng Philippine Public Sector Accounting Standards.