Muling nakamit ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.
Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.
Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.
Pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang sektor ng edukasyon ng lungsod at lahat ng mga kasosyo at stakeholder nito.
“We are grateful to our teachers, parents, local school boards, school governing councils and all of our education stakeholders for their steadfast commitment to give Navoteño youth the best education possible, whatever the circumstances are,” ani Tiangco.
Noong nakaraang taon, namigay ang Navotas ng 49,000 NavoSchool-in-a-Box (NavoBox) na isinagawa ng Department of Education’s Learning Continuity Plan for 2020-2021. Ang NavoBox ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, worksheets, lesson guides for parents/guardians, school supplies, at hygiene kits.
Kinilala ng Department of Education ang NavoBox bilang isang modelo para sa blended learning delivery at ginamit bilang benchmark ng iba pang mga lungsod sa buong bansa.
Ang Navotas Schools Division Office ay inilunsad din ang Hatid-Aral Project, kung saan ang mga barangay opisyal at mga miyembro ng school governing councils ang tumulong sa paghatid ng NavoBox sa bahay ng mga estudyante para hindi na ito kunin ng mga magulang.
Itinatag din nito ang Project: Teach-a-Learning Child (Project TLC), kung saan isang volunteer tutor ang tumutulong sa isang mag-aaral sa mga worksheet sa NavoBox.
Namigay din ang Navotas ng 3,057 smart phones at 52,740 USB-OTG sa public elementary at high school students, 123 laptops para sa mga teachers, at tig-isang copying machine para sa 24 public schools sa lungsod. “We shall continue our efforts to provide our students with quality and inclusive education in spite of the challenges brought about by the pandemic,” pahayag ni Tiangco.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE