Malungkot na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na positibo siya sa COVID-19 base sa kanyang RT-PCR test.
Humihingi ng paumanhin ang alkalde sa lahat ng kanyang nakaharap noong nakaraang mga araw at nakikiusap na obserbahan nang mabuti ang kanilang kalusugan.
Payo pa niya sa kanyang mga nakasalamuha, kung meron silang nararamdamang kakaiba, sumangguni kaagad sa doctor.
“Dahil sa aking pagiging immuno-compromised at dahil sa aking severe asthma, madalas po akong mag-self antigen test. Kahapon negative po ang antigen ko, pero kaninang tanghali ay nagpositive ako kaya agad po akong nagpa-RT-PCR test”, pahayag ni Mayor Tiangco.
“Bilang COVID patient, sasailalim po ako sa 14-days isolation ngunit hanggang makakaya, gagampanan ko pa rin po ang tungkulin nating i-monitor at pangunahan ang ating COVID response at iba pang responsibilidad bilang Mayor”, dagdag niya.
Muli rin siyang nakiusap sa lahat na maging doble o triple sa pag-iingat, gawin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna