Nakumpleto na ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy.
“Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. Kailangan pong makumpleto ang first at second dose para buo ang proteksyong ating matatanggap mula sa bakuna” ani Mayor Tiangco.
Hinimok ng alkalde ang mga Navoteños na makilahok sa programa ng pagbabakuna sa lungsod.
Binigyang diin din niya ang pangangailangan na makakuha ng pangalawang dose at fully vaccinated upang matiyak ang kumpletong proteksyon mula sa sakit.
Gayunpaman, di pa rin aniya 100% na di tayo magkakasakit ng COVID kapag bakunado na tayo. Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksyon para di magkakaroon ng severe o malalang COVID at di manganganib maospital o mamatay.
Ipinaalala pa niya na kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa rin isagawa ang minimum health protocols para hindi mahawaan ng sakit.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON