November 2, 2024

NAVOTAS MAY HANDOG NA LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING, CHEST X-RAY

Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ay naghandog ng libreng cervical cancer screening at chest x-ray kung saan kabilang ang mga Barangay Health Workers (BHW) ang unang nabiyayaan nito. Ang libreng screening ay isasagawa tuwing araw ng Martes, 1PM-3PM, para sa mga Navoteña na 21 taong gulang pataas. 10-20 slots ang available bawat schedule. First come, first served ang naturang programa. (JUVY LUCERO)

NAGHANDOG ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng cervical cancer screening at chest x-ray.

Isang inisyal 220 Navoteñas na edad 21 pataas ang sumailalim sa visual inspection of cervix with acetic acid (VIA) screening test na isinagawa sa lahat ng health centers ng Navotas.  

“Due to the pandemic, our centers temporarily stopped providing VIA test every Tuesday. We have resumed this service in line with the celebration of the Cervical Cancer Consciousness Month and now that our COVID cases are low,” ani Mayor Toby Tiangco.

Simula May 17, lahat ng 11 health centers ay tatanggap ng 10-20 Navoteño patients kada Martes, 1PM-3PM, para sa libreng cervical cancer screening.

Ang pamahalaang lungsod sa kooperasyon sa Philippine Business for Social Progress and the Department of Health, ay nag-aalok din ng libreng chest x-ray upang palakasin ang active case-finding (ACF) nito sa komunidad.

Para maka-avail ng serbisyong ito, kailangan ang pasyente ay 15-anyos pataas at magparehistro sa kani-kanilang barangay o health centers. Bukas ang mga slot sa first come, first served basis.

“Early detection serves a vital role in the effective treatment of a disease. We hope that by providing these services for free, Navoteños will be encouraged to get themselves tested and treated, if needed,”  sabi ni Tiangco.

Noong 2019, ang Navotas ay nakatanggap ng Best in Tuberculosis Control Program award mula sa Department of Health-National Capital Region.

Maliban sa libreng checkups at medications, nag-aalok din ang lungsod ng P3,000 livelihood assistance sa TB patients na nakakumpleto ng kanilang 6-8 buwan gamutan.