INIHAYAG ni Mayor John Rey Tiangco noong Lunes na malapit nang magtayo ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng isang super health center at Bahay Kalinga sa Brgy. NBBS Kaunlaran.
Ayon sa kanya, ang mga Navoteño ay maaaring gumamit ng laboratoryo, dental, birthing, at iba pang serbisyong pangkalusugan sa isang super health center.
Samantala, ang Bahay Kalinga naman ay magsisilbing pansamantalang tahanan ng mga inabandonang matatanda at kababaihan o mga bata na nakaligtas sa pang-aabuso.
Sinabi ni Tiangco na nag-donate ang National Housing Authority ng 728 sq.m. lote sa Ayungin St., na gagamiting site para sa nasabing mga pasilidad.
Kasama si National Housing Authority General Manager Joeben Tai, nilagdaan ni Mayor Tiangco ang kasulatan ng donasyon at pagtanggap noong 10 Hulyo 2023.
“Amid our limited resources, especially in terms of land, we will always find ways to cater to the needs of every Navoteño and promote their well-being,” ani Mayor Tiangco. (JUVY LUCERO)
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO