November 5, 2024

NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO (Para panatilihin ang kaligtasan ng mga Navoteños)

UPANG panatilihin ang kaligtasan ng mga konstituwents mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.

Ang paghihigpit ay applies sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

Ang bibisita sa Navotas ay kailangan magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng health declaration o medical certificate mula sa health office ng kanilang lugar na pinagmulan na nagpapatunay na ang mga biyahero ay hindi COVID patients o pinaghihinalaan o maaaring may kaso.

Kailangan din nilang magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, isang barangay cetificate na nagsasaad na hindi sila kinakailangang sumailalim sa quarantine o nakumpleto na ito, at ang buong address ng kanilang pupuntahan sa Navotas.

“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases.  We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,”  ani Mayor Toby Tiangco.

Ayon sa report ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng mababang number ng bagong kaso kada araw noong June 25 – July 1 kabilang sa Metro Manila cities.

Hanggang July 6, ang Navotas ay may kabuuang 11,088 COVID-19 cases, 10,619 ang mga gumaling, 371 ang namatay, at 98 ang active. Ang S-PaSS ay isang online travel management system na binuo ng Department of Science and Technology (DOST) na nagsisilbing isang online communication at coordination platform para sa mga local government units, monitoring agencies at travelers.