November 5, 2024

Navotas kinilala ng COA

NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito.

Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila.

“We are happy and grateful to receive such great news. Amid the COVID-19 pandemic, this citation serves to bring us renewed hope and cheer,” ani Mayor Toby Tiangco.

“We thank and laud everyone—all departments and offices—who worked hard for us to achieve this. May we continue to uphold the highest standards of public service and always give our best for the benefit of our people,” dagdag ng alkalde.

Nagkakaloob ang COA ng “unmodified opinion” sa pambpublikong institusyon na nagpresenta ng kalagayang pinansyal at daloy ng pananalapi sa patas na paraan alinsunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.

Noong Pebrero, pumasa rin ang Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang GFH ay bahagi ng Seal of Good Local Governance, ang pinakamatas na parangal na ipinagkakalaoob ng DILG.