May 21, 2025

NAVOTAS, INULUNSAD ANG NAVORUN 2025

ANG Navotas City Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Backpack Runners, ay opisyal na naglunsad ng NAVORUN 2025, isang fundraising fun run na nakatakdang maganap sa Agosto 24, 2025.


Layunin ng NAVORUN na i-highlight ang Navotas hindi lamang bilang Commercial Fishing Hub ng Pilipinas, kundi bilang isang umuusbong na destinasyon sa turismo sa palakasan.


Ang event ay nag-aalok sa mga kalahok ng pagkakataong tuklasin ang kakaibang kagandahan ng lungsod, habang sinusuportahan ang isang makabuluhang layunin.


Nagpahayagn naman ng buong suporta si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa inisyatiba.


“NAVORUN is a great way to get active, explore Navotas, and give back to the community. Whether you’re a seasoned runner or just starting out, this event is open to all,” pahayag niya.


Nag-aalok ang NAVORUN ng dalawang kategorya ng karera: 16km para sa Php 1,200 at 8km para sa Php 1,000. Lahat ng rehistradong kalahok ay makakatanggap ng race bib, finisher shirt, finisher medal, loot bag, at raffle stub.


Bukas ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 18, 2025.


Ang kikitain sa pagtakbo ay pakikinabangan ng Navotas Drum at Bugle Corps, isang grupo ng mga mahuhusay na musikero ng kabataan na kumakatawan sa lungsod sa iba’t ibang mga kaganapan at kompetisyon.


Ang mga interesadong kalahok ay maaaring makipag-ugnayan sa Navotas City Tourism Office sa (8) 283-7415 local 116 o kaya kay Ms. Zuzy Cruz sa 0905-222-8049. Maaari din silang magmessage sa NAVOTURISMO Facebook page para sa mga update at karagdagang impormasyon.