December 27, 2024

NAVOTAS INILUNSAD ANG E-BPLS, E-BOSS PLATFORM

Umabot sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan pinangunahan ni Congressman John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (JUVY LUCERO)

Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay inilunsad nito ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) cloud-based platform.

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Union Bank of the Philippines Executive Vice President and Retail Banking Center Head, Mary Joyce Gonzales, at Landbank of the Philippines Executive Vice President, Julio Climaco Jr., ang virtual na paglulunsad ng programa.

“The online system was developed in line with our commitment to the national directive to streamline and digitalize business processes to promote ease of doing business.  It also aims to minimize human interaction and intervention to prevent delays and red-tape and, in light of the pandemic, keep everyone safe from COVID-19,” ani Mayor Toby.

Ang mga Taxpayer ay maaaring magregister o renew ng kanilang businesses sa https://online.navotas.gov.ph/.

Ang online system ay nagsama din ng mga ancillary certificates at clearances na kinakailangan para sa mga business permit applications at renewals tulad ng fire safety at sanitary inspection certificates.

Ang interface ay dinisenyo din upang maghatid ng mabilis, mahusay, simple at walang abala na mga transaksyon, kahit na sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

“The online payment and collection system of the city is limited to business matters and operations for now.  However, we are working to provide the same level of service to realty taxpayers and other constituents transacting in the city hall,” sabi ni Tiangco.

Nauna rito, nakipagsosyo ang pamahalaang lungsod sa Landbank of the Philippines at Union Bank of the Philippines upang makagawa ng mahusay na online payment collection system sa pamamagitan ng kani-kanilang banking applications.

Ang pamahalaang lungsod ay lumagda din sa isang memorandum of understanding kasama ang Anti-Red Tape Authority upang isulong ang mga reporma at programa ng lungsod alinsunod sa Republic Act No. 11302 or ‘Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ang paglulunsad ng e-BPLS at e-BOSS ay umaayon sa pagdiriwang ng ika-14th anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.