OPISYAL nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang NavoRehistro Citizen Registration Program, na minarkahan ng isang ceremonial commitment signing sa flag ceremony ng lungsod, nitong Lunes.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, barangay, at Sangguniang Kabataan, na nagpapahiwatig ng nagkakaisang pagsisikap na suportahan ang programa.
Nilalayon ng NavoRehistro na kilalanin nang mahusay at tumpak ang mga indibidwal at pamilyang naninirahan, nagtatrabaho, o nakarehistro para bumoto sa Navotas.
Nilalayon nitong i-streamline ang access ng mamamayan sa mahahalagang serbisyong pampubliko at pahusayin ang paghahatid ng serbisyo ng lungsod sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga serbisyong panlipunan, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at peace and order.
Layon din nitong isulong ang inclusivity at pahusayin ang transparency ng pamamahala sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng lungsod.
“We urge every Navoteño to take part in this initiative. Through this program, the city government will be able to build and maintain a comprehensive database. This, in turn, will enable us to allocate resources effectively and implement services tailor-fit to the needs of our people,” pahayag ni Tiangco.
“Currently, the NavoRehistro web application allows us to access the city’s online business application and tax payment, as well as payment for ordinance violation tickets,” pagbabahagi niya.
“Further development of the app will allow us to roll out of application for financial or livelihood assistance, including the Assistance to Individuals in Crisis Situation or Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.” dagdag pa ni Mayor Tiangco.
Ang mga mamamayan ng Navotas ay maaaring magparehistro at lumikha ng kanilang profile at family tree sa pamamagitan ng www.citizen.navotas.gov.ph. Ang mga dedikadong kawani sa mga barangay o sa city hall ay handang tumulong sa kanila, kung kinakailangan.
Ang paglulunsad ng NavoRehistro app ay bahagi ng inisyatiba ng pamahalaang lungsod upang isulong ang digitalization at i-streamline ang mga pampublikong serbisyo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA