December 25, 2024

NAVOTAS IBINALIK ANG P32M PARA SA KARAGDAGANG AYUDA

Ibinalik ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng inilaan na beneficiaries.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs at medicines, supplies at materials, at office equipment.

“We received P199,871,000 from the national government for ECQ ayuda. Of this, P199,098,000 has been distributed to 27,131 beneficiaries of Social Amelioration Program Bayanihan 1; 855 recipients of SAP Bayanihan 2; 11,128 members of 4Ps; and 19,071 waitlisted in SAP,” paliwanag niya.

“As of April 23, we have a balance of P773,000, insufficient to cover the remaining 13,525 beneficiaries,” aniya. “We had to look for additional funds so we could provide the financial assistance.”

Ayon kay Tiangco, kailangang itaas ng lungsod ang tinatayang P34,320,000 upang maipamahagi ang cash aid sa 10,233 na waitlist na SAP, 2,690 registered persons with disability, at 592 registered solo parents.

“We are still short of around P2 million that is why we plan to use some of our Gender and Development Fund to complete the needed amount,” sabi niya.

Humingi si Tiangco ng pag-unawa sa publiko kung ang gobyerno ng lungsod ay kailangang talikuran ang ilang mga programa o proyekto.“Just like in a family, when times are hard, we tighten our belts and give priority to things that are of utmost importance. We need to spend our limited resources prudently so we could all stay afloat until the pandemic is over,” pahayag niya. (JUVY LUCERO)