January 22, 2025

NAVOTAS HOSPITAL, MAY BAGONG ICUs AT SPECIALITY CLINICS

IPINAGDIWANG ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang isa pang milestone para sa Navotas City Hospital (NCH), kasunod ng blessing ng mga bago nitong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics nitong Nobyembre 19, 2024.

Ang mga pagpapaunlad na ito ay naglalayong pahusayin ang healthcare services para sa mga Navoteño, na nagmamarka ng isa pang hakbang tungo sa pagkamit ng isang Level 2 accreditation mula sa Department of Health.

“From its humble beginnings in 2015 as the city’s first hospital, we have made significant progress. Today, we unlock another level by inaugurating ICU and additional specialty clinics,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Kabilang sa mga bagong specialngty clinic ang women’s health, gastroenterology, ophthalmology, at isang heart station equipped na may 2D echo at ECG facilities.

“These facilities address the growing demand for medical services in Navotas. While we hope the ICUs remain underutilized — signaling good health among our citizens — we know they will serve as a venue for many miracles, helping patients recover and return to their families,” sabi ng akalde.

Samantala, pinuri naman ni Congressman Toby Tiangco ang patuloy na pamumuhunan ng lungsod sa mga serbisyong pangkalusugan.

“Every Navoteño deserves quality healthcare. This expansion is not just about adding infrastructure but proving that public service is about making things happen,” aniya.

Iginiit din niya ang damdamin ng alkalde, na binibigyang diin ang pangangailangan para sa wastong pagpapanatili at pangangalaga ng mga bagong pasilidad.

Itinampok ng kaganapan ang pangako ng pamahalaang lungsod sa accessible healthcare, pagbuo sa mga naunang pagsulong tulad ng hemodialysis units, increased bed capacity, CT scan, telemedicine, at iba pa.