January 27, 2025

NAVOTAS, DOLE NAGBIGAY NG BIKE, LIVELIHOOD AID SA VACCINATED NAVOTEÑOS

IGINAWAD ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga bisikleta at livelihood assistance sa 28 na natanggap sa ilalim ng Bikecination Project.

Kasama sa mga natanggap sa proyekto ang graduates ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang Bidahan Program ng Navotas Anti-Drug Abuse Council.

Ang Bikecination beneficiaries ay tatanggap din cellphone, P5,000 halaga ng load, helmet, water tumbler, at delivery bag.

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang turnover ceremonies kasama si Atty. Marion Sevilla, DOLE-NCR Assistant Regional Director at DOLE-CAMANAVA Director Rowella Grande.

“COVID-19 has severely affected the livelihood of many Navoteños. DOLE’s Bikecination Project not only gives an incentive to those who are fully vaccinated, but also lends a lifeline to those who strive to move forward amidst the challenges of the pandemic,” ani Mayor Toby Tiangco.

Samantala, pinaalalahanan ni Cong. Tiangco ang beneficiaries na ingatan at gamitin ng maayos ang ibinigay sa kanila ng gobyerno.

“Let us help ensure the success of this project so our government will continue to fund its implementation and this, in turn, will benefit more Navoteños,” aniya.

Ang mga benepisyaryo ay fully vaccinated at bilang insentibo sa kanilang pagpababakuna, napili sila para mabigyan ng tulong pangkabuhayan. (JUVY LUCERO)