June 30, 2024

NAVOTAS, DOH, PHILHEALTH PUMIRMA SA MOU PARA SA UHC INTEGRATION SITE

PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD); at Brian Florentino, Local Health Insurance Office Head ng PhilHealth NCR-North sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito. Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act. (JUVY LUCERO)

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary, lumagda ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas.

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOU, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD); at Brian Florentino, Local Health Insurance Office Head ng PhilHealth NCR-North

Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act.

“Through the MOU, we can secure additional technical and financial support from the national government for the UHC program. This agreement ensures equitable access to quality and affordable healthcare for Navoteños,” pahayag ni Mayor Tiangco.

“Establishing the UHC integration site in Navotas also facilitates the faster and more efficient delivery of health services to our constituents. We are grateful to DOH and PhilHealth for their continuous support to our city,” dagdag niya.

Ang seremonya ng paglagda ay sinaksihan ni Dr. Eric David, Navotas City Health Officer at Dr. Karen Fernandez, DOH-MMCHD Assistant Regional Director. Ang integrated health system ay isang diskarte kung saan ang isang local government unit, na may mga katuwang tulad ng DOH, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, at civil society organizations ay nagbabahagi ng responsibilidad sa pag-oorganisa, pamamahala, paghahatid, at pagpopondo ng mga sama-samang mapagkukunan upang mapabuti ang health outcomes para sa lahat ng mga stakeholder.