Nasa 200 na detainees na nasa kustodiya ng Navotas Police ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) para sa kanilang paglipat sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine matapos humingi ng tulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas kay Mayor Toby Tiangco. (JUVY LUCERO)
Umabot sa 200 na detainees sa Navotas ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas para sumailalim sa chest x-ray bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig.
Ang mga detainees ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police.
“Kinakailangan ng BJMP na ang mga detainees ay ma-x-ray muna bago ipadala sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine. Pagkatapos, dadalhin sila sa Navotas City Jail. Ang mapag-alaman na may problema sa baga ay ihiwalay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.” Paliwanag niya.
Ang mga detainees ay mayroong x-ray sa ilalim ng Project HEAL (HEalthy and Active Lungs), isang programa ng Department of Health at Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa koordinasyon sa USAID at Philippine Business for Social Progress.
“Bagaman ang BJMP ay humiling lamang ng x-ray, isinailalim na din namin ang mga detainees sa COVID-19 test upang matiyak na ligtas sila sa virus,” dagdag niya.
As of November 23, ang Navotas nakapagsagawa na ng 39,980 swab tests o 14.9 ng papulasyon ng lungsod.Umabot na rin sa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recoveries, 57 active, at 157 ang namatay.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA