
NAKAPAGTALA ng apat na lamang na aktibong kaso ng Covid-19 ang Navotas City, ang pinakamababang kaso ngayong taon ayon kay Mayor Toby Tiangco.
Dahil dito, pinuri nina Mayor Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang lahat ng kanilang mga nasasakupan dahil sa pagsunod ng mga ito sa mga safety at health protocols na umiiral pa rin sa ilalim ng Alert Leve 1.
“Congratulations po sa ating lahat! Salamat sa patuloy na pag-iingat kaya napanatili nating mababa ang ating mga kaso,” pahayag nila.
“Ipagpatuloy lang po natin ang pagsunod sa mga safety health protocols lalo na ang tamang pagsusuot ng face mask at kumpletuhin ang bakuna o pagpapa-booster para manatiling protektado laban sa sakit. Stay safe po sa lahat!” dagdag ng Tiangco brothers.
Ayon sa City Health Office, hanggang April 5, 2022, apat na active cases lamang ang naitala ng lungsod habang umabot naman sa 21,118 ang tinamaan ng naturang sakit, 20,471 ang gumaling at 643 ang binawian ng buhay. (JUVY LUCERO)
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente