December 25, 2024

Navotas Coastal Development

INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na nagbunga na ang matagal nitong plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Congressman John Rey Tiangco kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin ang lokal na pamahalaan ng Navotas.

Ani magkapatid na Tiangco, sa itatayong Expressway papuntang New Manila International Airport ay tatayuan ito ng 3,480 units na Pabahay, ang pinakamalaking pabahay project natin sa lungsod.

“Mayroon itong residential condominium, parks, open space, public facilities, commercial area, organized vendor’s area, tricycle and pedicab terminals, mga daanan ng mga bangka at mga fisherman’s wharf”ani Cong. John Rey.

“May tulay na naka konektado sa A. Ignacio St. Bicycle, Pedicab at Pedestrian bridges sa Judge Roldan at A. Santiago at on ramp para sa ekslusibong lane ng motorsiklong below 400cc at ekslusibong lane para sa mga bisikleta at walang tatamaan na mga kabahayan” pahayag naman ni Mayor Toby.

“Pabahay at progreso sa mga Navoteño, yan po ang ating patuloy na pagsusumikapan, para sa inyo, mga kababayan ko!” dagdag niya. (JUVY LUCERO)