December 26, 2024

NAVOTAS CITY HOSPITAL NAGBUKAS NG KARAGDAGAN WARDS

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco at Dr. Tirso Bernardo II, Acting Administrative Officer ng Navotas City Hospital (NCH) ang ribbon-cutting ng bagong blessed bed wards ng NCH na matatagpuan sa ground floor ng nasabing hospital. (JUVY LUCERO)

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang blessing at inauguration ng tatlong karagdagan wards ng Navotas City Hospital (NCH).

Ang 15-bed capacity wards ang matatagpuan sa ground floor ng NCH.

“It has been seven years since we opened our hospital to the public. As time passed, more and more people sought its services thus the need to continuously upgrade its facilities and equipment,” ani Tiangco.

Kasabay ng pagbabasbas, nagsagawa rin ang city hospital ng Kalusugan Check na kinabibilangan ng libreng eye check-up, HPV testing, at pelvic ultrasound.

Nagsagawa rin ito ng mga lecture sa diabetes, RBS screening, visual education para sa mga pasyenteng may diabetes, payo sa pagkain, at PhilHealth Konsulta registration, screening at konsultasyon.

Noong 2018, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pagtatayo ng extension ng NCH upang matugunan ang mas maraming Navoteño na nangangailangan ng medical treatment at health services.

Pagnakumpleto, tataas ang kapasidad ng kama ng ospital mula 50 hanggang 120, na may 15 intensive care unit (ICU) na kama.

Bukod sa karagdagang computerized tomography (CT) scan para sa Radiology Department, magkakaroon din ito ng automated laboratory at pathology services.

Ang pagpapalawak ay magbibigay-daan din sa ospital ng lungsod na matugunan ang mga kwalipikasyon ng isang pasilidad na kinikilala ng Departamento ng Kalusugan sa Level 2.