ISINAILALIM sa lockdown ang Navotas City Hall matapos may 24 kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit na nagsimula 23 February, 8:01PM, hanggang sa Linggo, 28 February, 11:59PM.
Ibig sabihin, wala munang transaksyon sa city hall tulad ng application/renewal ng business permit at pagbabayad ng amilyar, pati na ang pagkuha ng plaka ng mga tricycle at PUJ.
May mga papasok pa rin aniya na kawani pero para lamang ayusin ang sweldo ng mga empleyado, gawin ang mga proseso para sa pagbili ng mga kailangan para sa ating COVID-19 response, at pag-responde sa anumang emergency.
“Sa mga may babayaran na ang deadline ay sa 28 Pebrero 2021, wag po kayong mag-alala. Hihilingin po natin sa Sanggunian na magpasa ng ordinansa ng extension ng pagbabayad hanggang 5 Marso 2021 nang walang penalty at surcharge” ani Mayor Tiangco.
Unang inanunsyo na may mga kawani ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19. Pina-isolate agad sila at pina-swab test ang kanilang close contacts.
Sumailalim din sa swab test ang lahat ng mga empleyado ng city hall, kahit hindi sila close contact at nagsagawa rin ng general cleaning at disinfection tuwing 3PM-5PM.
“May mga empleyado ng City Hall na hindi naman close contact ngunit nagpositive. Ibig sabihin, may mga tao sa komunidad na positibo ngunit hindi na-detect dahil wala silang sintomas. Kaya nakikiusap po kami na maging maingat ang lahat dahil talagang kumakalat ang virus”, paalala ng alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA