December 25, 2024

NAVOTAS AT VALENZUELA, NAGHAHANDA NA SA PAGDATING NG BAKUNA SA COVID-19


Bumili ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃. Maglalaman ito ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at isa sa dalawang freezer ay na-deliver na. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna. (JUVY LUCERO)

Naghahanda na ngayon ang mga local na pamahalaan sa Metro Manila, kabilang ang lungsod ng Navotas at Valenzuela sa paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃.

Aniya, ang refrigerator ay maglalaman ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at isa sa dalawang freezer po ay na-deliver na sa atin. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna.

“Tatlong brand po ang pinaplano nating bilhin: 50,000 Astrazeneca, 20,000 Pfizer, at 5,000 Moderna. Ito po ang top 3 choices base sa ating isinagawang survey. Ang iba pong bakuna ay magmumula sa ating pamahalaang nasyonal”, ani Tiangco.

Sa Valenzuela, ininspeksyon na rin ni Mayor Rex Gatchalian at ng kanilang team #VCVax ang Estrella Cold Storage sa Lawang Bato bilang paghahanda sa paglulunsad ng VCVAX.