KUMABIG ang Swimming League Philippines (SLP)-Philippine Team ang kabuuang 10 medalya, tampok ang apat na ginto kabilang ang tatlo mula sa top performer na si Richard Nielson Navo sa katatapos na Hong Kong Stingrays Summer Sizzler invitational swimming championship sa HongKong Olympic Swimming pool.
Humirit ang 15-anyos na si Navo, pambato ng South Warriors Swimming Team, sa boys 15-under class 50m backstroke sa tyempong 31.73 segundo, gayundin sa 100m breaststroke (1:19.83) at 50m freestyle (27.75) para pangunahan ang koponan na binuo mula sa serye ng mga torneo ng Swim League Philippines (SLP), sa pagtataguyod ng Ang Lechon Manok ni Sr.Pedro, Mary Grace Café, Lorins Patis, Lorenzana Corporation, Blueresca Angels at MFV Architectural Design and Services
Dinugtungan ni Raina Samantha Leyran, Palarong Pambansa qualifier ngayong taon, ang ratsada ni Navo matapos pagbidahan ang girls 13 &over15-under 50m butterfly sa tyempong 30.04 segundo. Nasungkit din niya ang bronze medal sa 50-m back at bahagi ng 200m girls medley relay (bronze) at 200m mixed medley relay.
Nag-ambag naman si Kendra Beatrice Larrobis ng Cavite SeaBeast Swimmimg Team ng isang silver sa grils 14-over 50-m butterfly.
“Masayang-masaya kami dahil sa ipinakitang determinasyon ng ating mga batang swimmers. Hindi matatawaran ang karanasan na nakuha ng mga bata dito at ang mga medalyang napagwagihan and nagpadoble sa kasiyahan ng buong delegasyon,” pahayag ni team head delegation coach Marlon Dula.
Humirit naman ng bronze medal si Hannah Magale sa girls 14yrs old 50m breast para madagdagan ang nakamit na silver medal sa 200m girls medley relay; dalawang bronze ang naiuwi ni Elijah Ebayan sa boys 14 yrs -old 50m fly at 50m back; kumana si Marc Bryan Dula ng bronze sa boys 16yrs old 200m mixed medley relay; bronze naman si Feriz Gabriel espano sa 15-yrs old 50m back.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW