NATUPAD ng Gilas Pilipinas ang misyon nitong mabawi ang gintong medalya sa men’s 5×5 basketball ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Merodok Techo Elephant Hall 2 sa Phnom Penh.
Ang tagumpay ng ‘Redeem Team’ na Gilas Pilipinas ay nakamit sa pahirapang paraan, una dito ay ang pag- asenso na sa basketball ng ating kapit- bansang Indonesia, Thailand at ang pagsulpot ng mga naturalized players partikular ang host Cambodia na nagpalasap ng unang talo sa Gilas.
Pero naging matamis ito dahil sa ang Cambodia rin ang kanilang naresbakan para sa gold medal.
Nilamangan ng Gilas Pilipinas ang Cambodia ng double digit sa halftime pero di bumigay ang naturalized players ng host sa pangunguna ni Darren Dorsey.
Naging matatag ang Justin Brownlee- led Gilas at naiposte pa ang 13 puntos na bentahe, 64-51 sa pagtatapos ng third quarter.
Isang 8-0 blast ang tinikada ng palabang Cambodians upang dumikit para kumikig pa sa laban, 59-64 kortesiya ng toreng sina Pridgett at Morgan.
Pero sumagot ng dalawang tres sina CJ Perez at Brownlee habang naging matatag sa opensa sina Brandon Ganuelas Rosser, Marcio Lassiter. Jeron Lastimosa at Chris Newsome upang ma-secure na ang panalo. 77-66,1:52 ang nalalabi sa laro sa di magkamayaw na sigawan ng Filipino crowd na tiniis ang init ng basketball venue.
“I know a lot of people doubted this team the first time we lost.But I did not tell you the first word in the dugout”, pahayag ni national coach Chot Reyes kaugnay ng nauna nilang pagkatalo sa Cambodia.
Aniya ay kaya niyang tanggapin ang pagkatalo sa 6-man reinforced Cambodia team. “ What we can not afford is to lose in gold medal championship against them( Cambodia) for the basketball throne”.
Pinataas ang adrenaline ng Gilas Pilipinas matapos nilang ma-dethrone ang kanilang Vietnam SEAG tormentor na Indonesia sa semifinal match.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW