January 25, 2025

Naturalization papers nina Kouame at Marañon, approved sa Senado

Inaprubahan ng senado ang naturalization papers ni Gilas recruit Angelo Kouame. Gayundin si Azkals player Bienve Marañon. Approved sa third at final reading ang naturalization ng dalawa kahapon. Bumilang ng 20 araw ang senate upang aprubahan ang dalawang bills.

Kung saan, una nang naritipikahan ng Congress sa House Bill No.8632 para kay Kouame. Ang House Bill No. 8632 naman kay Marañon.

Gayunman, dadaan pa kay Pangulong Duterte ang papers upang maging ganap na batas. Kagaya ng nangyari noon kina Gilas former naturalizaed players Marcus Douthit at Andray Blatche.

Ang approval ng senate sa naturalization ni Kouame ay magiging daan upang makapaglaro ito sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa June.

Gayundin sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Indonesia sa Hulyo.

 “Kouame is primed to make a significant contribution to Philippine basketball,” saad Senator Sonny Angara, principal author of Senate Bill 1892.

He is ready to play for the national team.More importantly, he is more than willing to represent our country,”aniya.