
PATAY ang isang lalaki matapos magulungan ng truck nang tumumba habang kasuntukan ang menor de edad na kaibigan sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado ng gabi.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, lasing na umano ang biktima na kinilalang si Vincent Dinusta, 20-anyos nang magulungan ng truck.
Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima, lasing na umano silang magbabarkada nang makainitan sa labas ng isang bar.
Nakuhanan pa ng CCTV ang suntukan ng biktima at ng suspek sa gilid ng kalsada.
Nang tamaan ng suntok ang biktima sa mukha ay bumulagta na lamang ito sa kalsada na sakto namang nagulungan ng nagdaraang 10-wheeler truck.
Dahil menor ang suspect, nasa kustodiya na ito ng Municipal Social Welfare ng Rodriguez, Rizal.
Nahaharap ang driver ng trak sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup