December 23, 2024

NATUKLASANG FOSSIL NG 96 MILYONG TAONG PTEROSAUR

Inahayag ng mga Australian palaeontologists ang pagkakatuklas nila sa bagong species ng Pterosaur, na maaring nabuhay ng halos 96-million-years ago.

Ang naturang hayop ay mayroong ang wingspan na tinatayang aabot sa apat na metro kaya tinagurian din itong “Iron Dragon.”

Ang fossilized bones ay nadiskubre umano ng isang local farmer na si Bob Elliott na nagkataong inaasikaso ang kanyang sheep station sa northeastern margins ng Winton Formation sa state of Queensland noong 2017.Sinasabing nanguna ang mga staff at volunteers mula sa Australian Age of Dinosaurs Museum (AAOD) para hukayin ang site hanggang sa madiskubre ang ancient remains.

Nakita roon ng mga eksperto ang kompletong halimbawa raw ng pterosaur.May kasama na itong malaking bahagi ng jaw, ang bungo ay may limang partial vertebrae, may walong limb bones at nasa 40 mga partial at isolated teeth.

Pinangalan nila ang naturang bagong species na ferrodraco lentoni, na nangangahulugan na Lenton’s iron dragon.Ito ay bilang pagkilala sa dating Winton mayor na si Graham Lenton.Ang proyekto sa pterosaur ay sa ilalim ni AAOD palaeontologist Adele Pentland, bilang parte rin ng kanyang PhD sa vertebrate palaeontology ng Swinburne University of Technology.Nagpaliwanag naman si Pentland na ang pterosaurs ay hindi isang uri dinausaurs pero nabibilang daw ito sa reptiles.