NAKATAKDANG isagawa ng Department of Science and Technology (DOST) ang 2024 National Science Technology, and Innovation Week celebration sa Cagayan de Oro City mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 – ang kauna-unahan sa Mindanao.
Highlights sa NSTW ang mahahalagang kontribusyon ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa at nagsisilbing platform para sa heralding S&T advocacy sa bansa.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay ang “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginha at Panatag na Kinabukasan” at ang subtheme na “Providing Solutions and Opening Opportunities in the Green Economy.”
Tampok sa limang araw na pagdiriwang ang mga inisyatiba ng DOST sa apat na strategic pillars: pagtataguyod ng Human Well-being, Wealth Creation, Wealth Protection at Sustainability. Kikilalanin din ng DOST ang mga awardee dahil sa critical contributor nito sa Science, Technology at Innovation. Inaasahang higit sa 10,000 ang dadalo sa pagdiriwang, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, startups, mga korporasyon, mga mambabatas, mga ehekutibo, mga estudyante, at ang pagkalahatang publiko.
Ipagdiriwang ang NSTW sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahigit sa 33 forum sa Luxe Hotel at iba pang kalapit na hotel sa siyudad. Kasama rin dito ang pagtatanghal ng NuLab: Stem in Motion, kung saan ma-e-experience ng mga estudyante ang isang roving laboratory na may maikling lektura, ang Mobile Modular Food Processing Facility at Mobile Command and Control Vehicle.
Itatampok din ang isang massive expo ng mahigit 150 teknolohiya at inobasyon sa Atrium at East Concourse sa Limketkai Center, kasma ang iba’t ibang immersive platforms, 3D prototypes, robotics, sound domes, at iba pang mga bago sa rehiyon. Gaganapin din ang Scholars and Startup Pitching competitions sa Cinema 4 sa mall.
Itatanghal sa Nobyembre 28 ng DOST ang kanilang Circular Economy Program Initiatibes para sa Smart and Resilient Communities at pagkilala sa mga partners sa World Records Attempt para sa pinakamaraming tao na nagtanim ng bamboo nang sabay-sabay sa maraming lokasyon, na pinangunahan ng DOST-10.
“Confirmed attendees and interested participants can easily access the flow of activities with complete details through the NSTW app, which is downloadable via PlayStore for Android users and AppStore for Apple Users. All viewers and attendees are encouraged to pre-register through the app or onsite through walk-in registrations,” ayon sa DOST.
Ipinagdiriwang ang NSTW sa pamamagitan ng Proclamation No 2214 series of 1982, na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sr. Noong 2019, inamyendahan ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 780, kung saan ipinagdiriwang ito tuwing ika-apat na linggo ng Nobyembre para maximum participation.
Sinuportahan din ng Regional Development Council ang event na ito sa pamamagitan ng Resolution No. 66, s. 2024, na may titulong “Enjoining the Regional Line Agencies, Private Sector and Industries, Academe, and Local Government Units to Support and Participate in the National Science, Technology, and Innovation Week 2024.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA