Patuloy pa rin tumaas ang mga lugar na apektado ng ASF kaya nagdeklara na si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa epekto ng African swine fever.
“There is hereby declared a State of Calamity throughout the Philippines on account of the ASF outbreak, for a period of one year beginning this date, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” saad sa proklamasyon ng Pangulo na pinirmahan niya nitong Lunes.
Dahil sa ASF maraming baboy sa bansa ang namatay at sapilitang pinatay dahilan para maapektuhan ang suplay sa buong bansa at sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa merkado.
Ayon sa datos ng Malakanyang, nanalasa na sa 493 syudad at munisipalidad sa 12 rehiyon ang ASF na nakasaad sa proklamasyon ng Pangulo.
Sa pamamagitan ng state of calamity, ang mga lokal na gobyerno ay madaling magagamit ang kanilang nakalaang pondo.
Matatandaang halos P500 ang kada kilo ng karne ng baboy dati dahil sa kakulangan ng suplay.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD