Umapela ang Pasay LGU sa mga kababayan na patuloy na suportahan ang isinasagawang national vaccination program ng Gobyerno laban sa COVID-19.
Ito ang panawagan ni Mayor Emi Calixto Rubiano upang matapos na ang pandemya na patuloy na nagpapahirap sa ating ekonomiya at bumabagabag sa bawat isa sa atin.
Kaugnay nito suportado ng lokal na pamahalaan ang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi na dapat kailangang mamili kung anuman ang bakuna na nais nating gamitin at iturok sa bawat mamayan.
Ang paghihintay at pamimili kasi sa bakuna ang nagiging dahilan ng pagbagal ng rollout at kung magpapatuloy ito ay matatagalan bago maabot ang 100% matatapos ang pagbabakuna.
Ang inorder ng Pasay City Government ay AstraZeneca pero meron naman ibinibigay ang national government na Sinovac, Pfizer at iba pa.
Ang rekomendasyon ng Department of Health sa Department of Interior and Local Government na atasan ang lahat ng LGUs na huwag ng banggitin ang brand ng mga bakuna na gagamitin sa mga vaccination centers.
Iginiit ng DOH na lahat nang brand ng bakuna ay ligtas at walang dapat ipag-alala ang publiko at ang mga ito ay aprubado ng mga eksperto at siyentipiko mula sa ibang bansa.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR