
OPISYAL nang sinimulan ang tradisyunal na Pabasa sa National Shrine of Our Lady of Lourdes sa Quezon City na isinasagawa tuwing Mahal na Araw o Semana Santa.
Ang Pabasa ng Pasyon ay isang mahalagang tradisyong Katoliko ng mga Pilipino na kinabibilangan ng tuloy-tuloy na pag-awit o pagbabasa ng Pasyon—isang epikong tula na nagsasalaysay ng buhay, pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Karaniwang isinasagawa sa isang pampublikong lugar, ang Pabasa ay madalas na ginaganap sa mga tahanan o kapilya, kung saan ang mga pamilya at boluntaryo ay nagpapalitan sa pagbasa nang malakas mula sa madaling araw hanggang gabi, minsan ay umaabot pa ng 24 na oras nang tuloy-tuloy.
Ayon kay Padre Chirino, isang paring misyonero Heswita, sa kanyang isinulat noong 1603, ang pag-awit ng mga papuri ay isa sa mga bagay na nakaakit sa mga Kastila nang sila’y dumating sa iniibig nating Pilipinas. Ang kaugaliang nabanggit ang maaaring pinagmulan ng Pabasa.
Sa National Shrine, ang mga bumabasa ng Pasyon ay mga senior citizen o mga matandang babae at lalaki at kung minsan ay mga kasama ring kabataang babae at lalaki. Sinasanay na sila sa pagbasa ng Pasyon bilang bahagi ng pagtupad sa kanilang panata tuwing Mahal na Araw.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na