PINAGREYNAHAN ni two-time Southeast Asian Game century dash champion Kayla ang women’s 200-meter run kamakalawa sa idinaraos na ICTSI Philippine Athletics Championships sa Ilagan Sports Complex .
Sakto sa kanyang game plan, di pinayagan ni Richardson ang karibal na Malaysian at beteranang si Zaidatul Husniah Zulkifli na makaungos sa laban upang isumite ang winning time na 24. 10 ng una kontra 24.17ng dayuhan habang ang kapwa FilAm ding si Danae Manibog ang tersera sa kanyang tiyempong 24.76.
Nabigo naman si Umajesty Williams na makumpleto ang golden double matapos na maramdaman ang straining hamstring sa kalagitnaan ng men’s 200-meter run pero sinikap pa ring maisalba ang silver sa 21.40 seconds sa athletics meet na inorganisa ng Philippine Athletic Track and Field Association.
Si Williams na naghari sa men’s 400-meter run kamakalawa sa kanyang unang karera para sa Pilipinas ay kinapos lang ng ga- buhok kontra sa gold medalist na si Iraqi Taha Hussein Yassein sa kumpetisyong suportado ng Philippine Sports Commission.
“My plan was to push out the blocks really hard, beat everybody to the 100 and just finish strong, and I believe I did that,” wika ni Richardson, ang magrereynang SEA Games women’s 100-meter champion, na nagwagi sa century dash ng regional sportsfest sa kanyang national team debut noong 2015 Singapore edition.
“I am excited to my meeting with KK (Knott’ nickname). We’re looking forward to it. Racing her is good,”ani pa Richardson.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO